NAG IISANG IKAW
Ang magkaroon ng isang buo at masayang pamilya ay siguro pangarap ng lahat satin. Sa iba natutupad nila ito ngunit sa iba hanggang pangarap n lamang ito Hinde madali ang magtaguyod ng isang pamilya na mag isa ka lamang. Sobrang hirap. Yung wala ka aasahan kundi sarili mo lang. Ngunit kelangan mo maging matatag para mabuhay n maayos ang pamilya mo ang anak o mga anak mo. Mahirap man ang ganitong klaseng buhay hinde pa din nawawala ang saya dahil ang magkaroon ng mga anak ay napakalaking biyaya. Masaya ang magpalaki ng anak kahit sobrang hirap lalo n kung mag isa ka lang. Misan matataranta ka. Minsan mangangarag ka at minsan ubusan din ng pasenxa. Pero madalas, magiging Masaya ka. Nakangiti, nakatawa, may lambingan at pagmamahal. Challenging lang tlg n magtaguyod ng pamilya na magisa. Solo parent kung baga. Ikaw ang nanay ikaw din ang tatay. Ngunit sa lahat ng pinagdadaanan at pagdadaan, lagi lang tandaan na sa Diyos lagi tayo...