NAG IISANG IKAW

Ang magkaroon ng isang buo at masayang pamilya ay siguro pangarap ng lahat satin.
Sa iba natutupad nila ito ngunit sa iba hanggang pangarap n lamang ito

Hinde madali ang magtaguyod ng isang pamilya na mag isa ka lamang.
Sobrang hirap. Yung wala ka aasahan kundi sarili mo lang.
Ngunit kelangan mo maging matatag para mabuhay n maayos ang pamilya mo 
ang anak o mga anak mo.
Mahirap man ang ganitong klaseng buhay hinde pa din nawawala ang saya 
dahil ang magkaroon ng mga anak ay napakalaking biyaya.
Masaya ang magpalaki ng anak kahit sobrang hirap lalo n kung mag isa ka lang.
Misan matataranta ka. Minsan mangangarag ka at minsan ubusan din ng pasenxa.
Pero madalas, magiging Masaya ka. Nakangiti, nakatawa, may lambingan at pagmamahal.

Challenging lang tlg n magtaguyod ng pamilya na magisa. Solo parent kung baga. 
Ikaw ang nanay ikaw din ang tatay.
Ngunit sa  lahat ng pinagdadaanan at pagdadaan, lagi lang tandaan 
na sa Diyos lagi tayong may makakapitan.

Kung pinaghihinaan ng loob sknya lang tayo magdasal at kumapit. 
Kung may paghihirap, tiyak may ginhwang makakamit.
Ang buhay ay hinde naman puro lungkot. May saya din yan. 
Kaya sana  di tayo manghina at mawalan ng pagasa.
Kelangan lang natin manalig at magpakatatag. 
Lahat ng sakripisyo ay may magandang bunga.

Kampay sa lahat ng mag isang nagtataguyod ng kanilang pamilya!
Kaya natin to! Wala namang impossible sa mundo..

Maniwala lang tayo…

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

A mother's journey: The naked truth of motherhood

Thoughts on Postpartum